I just need some comforting advice from anyone here.

For the story, I am the middle of 5 siblings. I’m F25 and I WFH. I’ve been the breadwinner in the family, my father is a retired soldier and my mom is just a homebody. I’m the one who pays the internet bill and provides basic necessities like food and some groceries. Just recently, I had a fight with my mom because I finally stood my ground against subtle pangmamaliit/parinig nila saken. Every time I buy something for the family to consume, I would hear her, under her breath, say something like “yun lang”, “yun na yun”. Assuming she’s referencing to the things na binibili ko para sa bahay. Kanina, sinagot ko na sya kasi di ko na talaga nagugustuhan yung mga naririnig ko. Palagi kong sinasabi sa isip ko na “baka nagjojoke lang si mama” kapag nakakarinig ako ng mga ganung salita. So, kanina sumabog ako, sinagot ko sya. I ended up the one na may mali kase raw sinagot ko sya at di ko daw dapat ginawa yun. Binaliktad nya lahat saken, di nya raw sinabi at di raw ganun ang ibig nyang sabihin. Huminto nako dahil alam kong napakasarado ng isip ng mga magulang ko. Sila lang dapat tama sa lahat ng bagay.

For another context, di pa tapos yung bahay namin. Di pa tiles yung sa baba. Sa palaging pamimilit ng nanay ko na ipagawa ko yung tiles, napilitan akong bumili para magawa na. At kanina lang, narealize kong nakalimutan kong bayaran yung internet at nag disconnect na. Nag sisisigaw yung tatay ko kanina kasi bakit daw naputulan at di ko raw binayaran ng maaga. May inaasahan raw syang tawag via messenger. Ginigipit nila ako, hindi ba dapat na pagtulungan nalang kesa magwala pa? At napag isipan ko na rin kanina na lilipat ako ng tirahan. Aalis ako dito.

Tama lang ba tong naiisip ko? Di ko na sila kinakaya. Mawawala ako sa sarili ko kapag nag stay pako rito kasama sila.