Narealize ko lang, this is the season na I was undergoing a messy breakup from an 8 year relationship with my first BF a decade ago.

I was 25 yo when I finally had the strength to leave a relationship that was no longer serving my growth with a person whom I never imagined to have a future with.

It was a college romance, nakatabi sa general assembly nung first week ng class sa university dahil pareho kaming late tapos imbes na makinig sa speakers, nagkwentuhan lang kami throughout. Marami kaming memories that made our youth fun and exciting, literal naghahabulan kami sa campus o kaya naghoholding hands habang umiinom ng softdrinks na nakaplastic while bitbit niya bag ko. Pero looking back, kung may regrets man ako, sana we ended it right after we graduated.

Hindi kami mayaman noon ng family ko pero definitely mas comfortable kami kesa sa kanila. Madalas ako ang mas may pera sa aming dalawa, tipong afford ko mag taxi while sya magtyatyaga sa ordinary na bus. ‘Yung bahay nila walang pinto mga kwarto, kurtina lang tapos may kapatid pa siyang may special needs. Single mom ‘yung mother niya, kabit pa. Later ko nlang napagtagpi kasi hindi ko siya fully kilala nung sinagot ko, nagpadala lang talaga nung pagbabanda banda niya nung college hahaha!

Anyway, magkaiba kami ng gusto sa buhay, nag sisismula na ako mapromote sa work at lumalaki sweldo samantalang siya nagjo-job hopping pa sa mga BPO. Partida nauna pa siya grumaduate, nagshift kasi ako ng course.

May maikling panahon o window nung relationship namin na tanggap ko na at ready na ako pakasalan siya basta magpropose lang siya, mga 23 or 24yo siguro ako nun pero buti na lang he never did that time kasi nga wala siyang kapasisad talaga. Unti-unti nawala ‘yung admiration ko sa kanya, alam niyo ‘yung feeling na you love someone but you don’t like them anymore. ‘Yung huling taon namin nagstay na lang ako to figure out paano ko siya hihiwalayan.

Ayoko ‘yung feeling na nakakabili na ako ng mga gusto ko or nakakabook ng travels while napag-iiwanan siya. Dumodoble pa gastos ko kasi need ko rin siyang isama. Wala na rin siyang nacocontribute sa buhay ko, emotional support na nga lang sana nung namatay tatay ko, wala rin. Final straw ‘yung night na namatay Dad ko, nagpapasama ako papuntang ospital habang umiiyak isinakay niya lang ako sa taxi tapos pinabayaan na ako kasi wala siyang pera sabi ko bibigyan ko siyang pamasahe pero hindi pa rin niya ako nasamahan. 2 months after my Dad’s death, nakipagbreak na ako. Sa loob ko, tatay ko nga kinaya ko nung nawala siya pa kaya.

Ginawa kong therapy ang work tapos nag fly talaga ang career ko. Ang dami kong nagawa at napuntahan, pero medyo na hurt nga lang ego ko nung may rebound na siya agad. Hindi rin naman sila nagtagal tapos totally nawalan na rin ako ng pake.

Sobrang saya na hindi ko siya nakatuluyan. Sabi nga nila, life is a series of decisions and deciding to leave him was definitely something I am proud of. Sana mas maaga ko nagawa pero nonetheless masaya ako dahil ‘di hamak na mas naging fulfilling ang aking isang dekadang solitude.

Ang panalangin ko na lang, whether may dumating man o wala, panatilihin ‘yung peace sa puso ko.