I (25F) went out for a walk and buy something to binge on convenience store at around 1am.
Yung mom ko nakitulog sa unit namin ng GF ko and to give you a context my mama doesn't know me really well since I grow up with my father. She "sacrificed" daw na mapalayo samin para makapag survive kami.
Usually I do late night walks, chill lang kasi tas sa kanto namin may convenience store. ang sarap ng breeze ng hangin during those time and sobrang tahimik pa kaya feel na feel ko lumabas ng mga ganyang oras.
Habang pauwi ako may aso na kahol nang kahol sakin, hindi ako dog person kaya natatakot ako dumiretso pabalik sa street namin. Kaya I decided na mag stay muna sa convenience store hanggang kumalma lang yung aso at umalis. Katabi ng convenience store is baranggay hall kaya I feel safe tumambay dun.
Lumabas na ko ng convenience store thinking na wala na yung aso..
but I was wrong, andun pa pala yung aso nakatago lang behind plants. Nag uumpisa nanaman kumahol ng kumahol yung aso and suoer aggressive na, pakiramdam ko once na mag step forward ako kakagatin niya na ko. so I run back to the convenience store.
During those time pala nalaglag ko na yung susi ng gate at ng unit namin. I started panicking kasi di ako makabalik sa street namin since may naka kawalang aso.
Yung mama ko tawag ng tawag, sa sobrang aligaga ko hindi ko nasagot yung call kasi I was thinking saan ko nahulog, kung may nakakuha na ba o kung hanggang anong oras ako mag aantay na mawala yung aso.
Then finally my GF came to the rescue may dalang patpat to scare the dog. Sabi niya galit na galit daw mama ko, kasi bat wala daw ako sa unit namin. My GF answered her "di ko po alam, sabi niya bibili lang ng food" then my mom hysterically shouted "HUH? Anong di mo alam, anong klase yan?!!" and other words na hindi niya na maintindahan. Soft-hearted lang GF ko kaya she was so shocked nung nasigawan siya ng mama ko. But she understand naman na out of worry lang kaya naginh hysterical lang si mama.
Then I received a text na, "asan ka na?" "akyat ka na. ako ang aalis". When I was about to reply tumawag siya galit na galit na kesyo kaya daw ako bumaba kasi ayoko daw kasama siya and a lot morw implying na kaya daw siguro ako nasa labas kasi ayoko na kasama siya and pinag aawayan namin siya ng GF ko which is "HINDI".
She thinks that way kasi against siya sa rs namin ng GF ko.
and I swear to God na walang ibang ginawa ang GF ko kundi makisama sakanya kahit may times na umiiyak na siya kasi ramdam na ramdam niya na hindi siya gusto ng mama ko.
Sermon ang inabot ko after explaining my side of story then I said sorry to her after.. pero biglang siyang nag rant about sa lahat ng sakripisyo niya samin at lahat ng bagay na ginawa niya samin. Hays. Ni wala man lang "okay ka lang ba?" "salamat at nakauwi ka ng maayos" ang natanggap ko puros "kababae mong tao blah blah", "aalis na ko, sakit sa ulo lang pala abutin ko dito", at "sana pala di na lang ako dito nakitulog"
Na drain ako kasi simula 2am hanggang 5am wala akong ginawa kundi amohin at mag sorry sakanya dahil nag alala daw siya sakin but still nothing.
I felt bad naman making her worry pero anlayo na kasi ng narating. Half of my life walang nag momonitor sakin kasi wala naman pake papa ko sa mga ginagawa ko,kaya hindi ako sanay na may nag momonitor sa mga galaw ko.
I just want to chill kasi may work na ulit, pero shit happens talaga biglang may aso tapos may nag ooverthink pa na mother thinking everything is about her.