Regarding to dun sa trend sa tiktok exposing kupal boys na nagpapabili or nagpapalibre ng kung ano ano sa jowa nila, from load to motor.

May isang girl na nagpost na di sya makarelate kasi iniispoil sya ng bf nya. May mga comments na nagsasabi na red flag at freeloader daw si girl.

I’m just here to say na “provider” men do exist. Ano bang nakakagulat dun? My partner has always insisted on paying for dates, taking me on shopping sprees, and even outright giving me money. Based dyan, mukhang freeloader nga naman no? Pero he doesn’t ask for anything in return nor does he want anything in return. I’ve told him multiple times na wag na at may pera naman ako. He says hayaan ko lang daw sya kasi ayaw nya kong nasstress about pera or anything that pera can fix. Gusto nya lang daw ako makitang mag-succeed sa career at masaya sa life.

I’ve never asked him for anything. Never ako nanghiram ng pera or nanghingi ng gift. Willing lang talaga sya magbigay. Di ko djn alam bakit. Ganun lang talaga sya. Freeloader na ba ko nyan? Hahaha. And also, he’s super generous din sa ibang tao, hindi lang sa akin. Basta kaya nya, ibibigay nya.

Ngayon may mag-aask, ano naman ginagawa ko? I support him, I stand by him, I stay loyal sa kanya, and I never stress him out. Syempre nagbibigay din ako gifts sa kanya, nililibre ko sya ng kung ano ano, at hati din kami sa utilities ng bahay (Eto pinilit ko pa sya na hatian ko kasi ayaw nya talaga haha)

So yes, these men exist! May mga lalaking willing gumastos sa mga partner nila na walang iniexpect na kapalit.