Doon sa mga lumaki at nagkaisip sa upland and yung angkan is taga upland talaga gaano kaginaw noong unang panahon? Been living here na for almost 6 years sa gabi at umaga lang maginaw. Umiinit naman sa tanghali pero hindi katulad sa Metro Manila na sobrang maalinsangan. Kahit paano mahangin sa daytime. Right now its 11:06 PM and it's 24 degrees, usual temperature sa gabi pag hindi panahon ng amihan.
I wonder kung ganito na ba before or mas pleasant pa ung climate pre-global warming and bago magsulputan mga subdivisions at commercial establishments.
Sa GMA ako lumaki. Dun sa bundok talaga hahaha. 2004 na ako siguro nagkaisip, tanda ko lang sobrang mapuno pa at presko talaga pag lalabas ka ng bahay. Di naman ganon kaginaw don. Sakto lang. Mas mainit ngayon dun.
Tanda ko mga 2015 naman tumira ako sa Indang for 1 week. 1 hour away from CvSU main. Malamig din nun bandang September. Lalabas kami mga naka jogging pants kasi malamig sa umaga tapos sa daytime presko naman. Masasabi ko mas malamig dun kaysa GMA.
Sa Alfonso din dati. Giniginaw ako sa madaling araw dun. Tanda ko hindi na ako nagpapabukas ng electric fan dati kasi giniginaw talaga ako.
Pagtanda ko gusto ko manirahan somewhere sa mga ganung lugar except GMA.