As I have said, just a taste of it.

My fam is kumbaga middle class naman. My tatay is a retired soldier and nakuha niya na yung first 3 years ng pension niya. Eto na nga ang problema, most of it, either inutang ng mga kamaganak nila Mama and ni Papa. Yung sa side ni Mama, naibalik naman pero yung hirap bago mabayaran. Eto na nga yung sa side ni Papa, akala ata nila tinae lang ni Papa yung pera niya. One time, tumawag pa para mangamusta, tas dadagdagan pa raw utang nila. Ngayon, magsstart pa yung monthly pension ni Papa this October pa.

Enters the present situation ng pamilya namin ngayon. I am working from home, sapat naman kinikita ko para supplyan yung mga luho ko at nakakapagbigay din naman ako sa parents ko kahit di nila nirerequire. Kaso, ngayon talaga, lumpo sila financially and most gastos sa bahay dumadaan sa akin. Na minsan, ako na yung napepressure na kanino ba ako mangungutang or saan ba ako makakakuha ng pera para lang masagot yung mga needs ng pamilya namin. Maintenance ng motor, groceries, and even kuryente. Tipo na sinuko ko na rin yung aircon ko para magkaroon ng pera kaya ngayon, every gising ko, naliligo ako sa pawis. Haha. Bawas na rin timbang ko for almost 2 months na gantong setup. Wala nang natitirang pera para sa sarili ko. Unlike dati, na may panggala pa ako and all. Ngayon, nagtitiis ako na walang pagkain every work, pero at least narereach ko yung goal kong pumayat. Lol. Tas minsan, pati baon ng kapatid ko, ako na rin nagbibigay.

Di naman sa nagrereklamo ako. Pero, ganto pala yung feeling ng karamihan sa mga Pilipino. Maswerte pa ako na balak akong bayaran ng parents ko pag nagka pension na si Papa. Pero to think na ganto yung dinadanas ng iba, tas siguro night shift din work nila gaya ko, tangjuicekumamamiya. I salute all of you. Mabuhay kayo at sana makuha niyo mga pinapangarap niyo sa buhay at sana ako rin, makuha ko rin pangarap ko sa buhay.

Pero, maisingit ko lang, san pwede umutang yung mababa sana interest. Hehe. Okaya pautangin niyo ako sa October start ng bayad. Lol.

EDIT:

Hello everyone! I am overwhelmed with the support I get sa inyo, and truly, thank you for that. I never get this kind of support mula sa kung kanino.

I get your sentiments and all, and I do share what you feel about your kamaganaks and all, and here's the thing. Looking back sa lahat ng comments, there are certain things I want to clarify.

The timeline of this is medyo matagal daw, and I get it. Pero, pinasok ko to dahil alam ko ang ending and pumayag ako na i-shoulder talaga given what my parents have to undergone during the process. Maraming bagay ang nangyari all through out.

Vocal din ako sa kanila. Sinasabi ko sa parents ko kung ano nararamdaman ko. Bilang psych grad, alam ko gaano kahalaga ang communication in terms of this kind of thing.

Also, may mga oras na alam kong hindi ako naging mabuting anak sa parents ko. Ayun yung isa sa rason why I volunteered to shoulder some para sa kanila. Isa rin kasi ako sa nakanibang sa pera na nakuha nila that time. Ang hirap manood lang kahit na sinasabi nila na sila ang bahala and all. Kaya guys, nasa matinong pagiisip ako nung pumayag ako. Hahaha. Pero, again, iba iba tayo ng experience.

Ngayon, hihiwalay ba ako sa pamilya ko? No. Halaaa. Pero, sana maiintindihan niyo ako sa part na to dahil sa mga past na nangyayari sa lupain namin. Hahahaha. Di naman sa ano, pero isa kasi kami sa mga "aral" dito sa lugar namin. Ayaw kong or ayaw naming umalis dito sa kung nasaan kami ngayon sa kadahilanang maaaring mawalan ng bahay ang halos higit sa 50 na pamilya sa baryo namin pag umalis ako or miski parents ko sa lupain na ito. Typical thing declared tong lupain namin under Presidential Proclamation 550 na ipinamigay na ito ng gobyerno sa mga nakatira rito and we have been fighting for this land for almost 7 to 8 years already. May mga certificates and all na magpapatunay dito. Miski DENR na ang nagsabi na wala sila dapat galawin dito sa lupain na to since pinamahagi na nga to under PP550. Sadyang, alam niyo naman sa Pinas, pag PAO humahawak sa inyo, tas mapera kalaban niyo, wala namang pake yan sa inyo. Hahaha sadly, medyo lumalamang na yung side ng businessman na gustong umangkin ng lupain namin.

Looking sa storya na yan, most of the time, parents ko rin ang naging sandigan ng mga taga rito sa amin in terms of explaining to them kung ano ang pwedeng gawin lalo na pag may instructions yung mga lawyers namin na matitino kung ano ang gagawin. Miski sa financial part kasi nga kareretire pa lang ng papa ko, so gusto niya rin makatulong somehow. Kaso, ayun nga, bukod sa mautang na kapamilya, isa pa yan sa nakapag pahirap sa kanila financially. Knowing this, pumayag ako na ishoulder lahat muna kahit hanggang October. It's fine. On the bright side, nagka biceps ako, nagka abs ako, at naging kontento ako as of now sa kung anong meron ako. Mas nagaral ako about financial management, naggive way ako sa paguupskill dahil sa kagustuhang kumita ng malaki, and all. Marami akong natutunan sa nangyayari sakin.

Ayun lang. Thank you so much for your concerns and suggestion and your toes and your knees and your shoulder and heads. Charot HAHAHA. De, love you everyone! I cannot hug you all, pero thank you so much! Grabe kayo. Sana malagpasan niyo lahat ng problema niyo sa life niyo and all.