Moderator removed post
Underrated si Jhong Hilario para sakin..
this is true. versatile rin si jhong. need to give him more roles na mag stretch sa capabilities nya.
Maganda yung MMK episode nya ah.
True. Effective kontrabida. Nakakatakot talaga siya if yun ang role niya
I’m gonna get killed here but here goes
Kathryn Bernardo acts and sounds like she’s reading the script and is thinking about the director’s specific directions at the same time.
She simply does not disappear into her role.
Same. Nasira ng loveteam projects yung mumentum nya sa acting. Kaya nga sumikat si Julia Montes, dahil mas lumitaw galing nya kay Kath (with the help of the material/role din).
Kahit nung Mara Clara and Way Back Home pa lang nilang dalawa, lamon na lamon na ni Julia M si Kathryn sa aktingan. Actually, swerte nga ni Kathryn sobrang pumatok loveteam nila ni Daniel kasi kung hindi at acting performances ang basihan, mas sikat siguro si Julia sa kanya.
You're safe here gang, NGL i kinda see what you're saying here.
I agree with you. Sorry ltga sa fans nya but to be honest " hype" din sya i don't see any transformation sa mga acting nya. Sya lang din yun..walang acting at all. Medyo disappointed ako when it comes to her roles.
I respect your opinion but I somehow only agree sa recent nya which was AVGG. Parang conscious acting nya don pero previous movies nya like Barcelona “I will never be Celine” and buong THOU lines and eksena nya nadala talaga ako especially yung “para” scene.
Yeah, agree. Magaling si Kathryn. Bet ko 'yung performance niya for THOU, HLG, Barcelona, and even SDTG. The best sa 'kin 'yung sa Barcelona na gusto niya nang mag-s**cide sa tren pero 'di niya tinuloy. Forte niya talaga drama.
Sa AVGG lang siya medyo off for me pero I appreciate na she accepted the role kahit malayo sa usual na ginagawa niya. If she continues exploring new roles and opportunities, no doubt na lalawak range niya.
Trigger Warning: Suicide.
Kaya naman pala ng SC dati na magpakita ng su!cidal moments for KN for Barcelona and later movies pero sa SDTG hindi nila ginawa for the sake of "popularity and increasing numbers" ng fanbase.
I think dahil iba ang target audience at genre ng SDTG sa Barcelona. And for me, mas prefer ko na iniba nila ‘yong ending kasi hindi ba parang niro-romanticize ng original plot ‘yong S-word?
Teen romance yung SDTG, ang point ko is pwede nilang gawin yung nasa original ending ng book sa movie without the two doing that scene. Kahit narration na lang sana.
May factor siguro na around 2013/14 ginawa ang SDTG and during that time, wala pang mental health awareness. Kung ginawa siguro siya ngayon or a remake, baka pwede pa nga masunod ‘yong OG plot na ‘di niro-romanticize ‘yong S-word.
Kung ngayon din ginawa yung gangster movie ng JD, maraming scenes na may specific words yung mato-tone down or iibahin yung words na yun.
i respectfully disagree. while there are a number of movies na cringey siya like AVGG n most movies with her ex, super naappreciate ko siya sa sa Way Back Home. Yes, may mga certain scenes don na di ko bet but what really impressed me is her mata-mata acting nung scene na nalaman nya yung truth about his true family. The THOU as well ang galing nya ron, particularly the scene after the confrontation na hinahanap nya palabas si Primo-- 'yung emotion sa boses nya-- felt. Di ko feel yung confrontation don and sa payong thing, i think di talaga bagay sakaniya magmura or magalit. And lastly, sa Hello Love Goodbye--- her reaction sa confession ni Alden sa Stock Room-- DUDE-- that was hella good, yung saya sa mukha at mata nya kuhang-kuha nya without even having to smile n shit.
it takes a lot of skill and hard work (she was not even a nepo baby??) to stay relevant for such a long time.
yung belle mariano 🤧
Tapos may pinu-push pa na singing career. 🤮 Isama mo na rin yung ka-loveteam nya. Wala namang dating for me. Tapos nepo baby pa. No wonder the network calls themselves "Kapamilya". Ang lala ng nepotism (the industry as a whole na rin siguro)
damn, the nepo "kapamilya" revelation goes well HAHAHA
Damn that kapamilya line is so hard. Wala e sila kasi maraming fans kaya ginagatasan ng corporate hayys.
Hype din ewan ko tlga. D naman sila magaling mag actingg even his loveteam donny. So sad. Nagcoconcert pa ang mga pootah. Wala ngang hits..binababoy nila kanta ni dua lipa. Sana may batas na bawal magconcert kung wala kang original na kanta
omg her asap prod ba yun kasama sina ac at alexa? illusion ata kinanta nila yung dalawa open mic si belle lipsync. kaya hindi ko din gets bakit may concert siya
Lahat ng mga lalake sa AsaP .. gustong maging si Regine. Pataasan ng tili ang mga bakla.. d ba pwedingg kumanta na lang ng kantang ayon sa puso. Hindi yung bibirit tlga. Ewan ko ltga. Kaya walang balladeer kasi lahat ng lalaking singer gusto maging Divah! Hayufff
Ohh nooo not my belle, but its your opinion so ill respect it.
Mas magaling umarte ung ibang comedian na madalas sidekick ang role kesa dun sa bida mismo. Si jose manalo kayang kaya mag heavy drama. Ang galing ni paolo ballesteros dun sa die beautiful. Kuhang kuha ni valeen montenegro ung inis ko dun sa love die repeat.
I thought magaling umarte si Jake Cuenca, pero bakit parang iisa na arte niya ngayon? Ingliserong laging high, di rin nakatulong yung ngipin niya sa pagsasalita niya.
Anong show ni jake ngayon? I think tapos na peak ni jake cuenca. Di ko na maalala hiling show nya.
What's Wrong With Secretary Kim. Bago yun ay Iron Heart
Miscast sya sa adaptation, mas bagay sa kanya yung mga action like Iron Heart and Los Bastardos.
Parang mas okay pa acting niya dun sa weekly sitcom niya sa TV5 kaysa sa WWWSK
Yup, natural na natural acting nya dun eh. Dapat sa iba na lang binigay yung role nya sa WWWSK eh
Who could have been a better choice? Older brother dapat ni Paulo no? Adrian Alandy? Though sa orig mas matanda pa si PSJ dun sa gumanap na kuya niya.
Kung gusto nila na maging all around actress si Andrea Brillantes, kailangan nila tanggalin yung pabebe voice and vibe niya. Kahit sa mga recent roles niya I cannot take her seriously kasi naging brand na niya ang pabebe.
User deleted comment
4d
Well age is one of the factors, pero for me its because Kathryn is giving effort na bawasan ng unti yung pabebe niya. There is still some pabebe vibes pero recently at her last roles I can take her seriously, na ramdam ko yung mga characters niya.
Pero for me mas challenging matanggal kay Andrea than Kathryn. Yung mga roles nila during child and teens, mas pronounce yung pabebe vibes sa isa kasi yung mga roles ni Andrea more on rich binch high school teen compared kay Kathryn na pulos pang masa typical dalagang pinay
Mostly yung mga hinahype ng mga fans sa Twitter hindi ako nagagalingan. Idk if it’s the writing, direction or talagang waley ang acting. Hindi authentic/natural yung delivery like parang I know that they’re only acting/performing and it really takes me out of the experience. Eto usually napapansin ko especially with recent shows and movies.
Wala e, parang lost ang entertainment industry ng PH talga. Kung sino lang sikat.
Can't we actually do what actors needs to do just like the older generations? Isabak sa mga roles na pang support tapos kung sino pang lead, yun lang bibigyan?
I somehow get it din sa management side. Ang problema talaga fans, hindi talaga magbibigay ang management ng lead sa isang tao kung wala nama syang fanbase. Sad but true talaga brain rot din kasi mga fans same lang din naman noon ang kaibahan lang marunong umarte yung mga artista noon. Ee yung mga may fanbase ngayon....
Both sides agree ako, pero mas angat yung sa management. Kung walang fanbase, edi pasikatin niyo di ba? Look at some of their new gen stars na bano at magaling umacting, mga walang fanbase nung una pero nakayanan sumikat kasi nagalingan yung tao.
I guess may connection yan sa formula nila. Tignan nyo si Enrique Gil, matagal na nilang pinapasikat pero wala talada kung sino sino napinartner nila pero wala parin. Lahat kasi kailangan loveteam, pag may sumisikat na solo actor kailangan ipartner na kay ganto gawan ng love team. Kung tatanggalin nila sa mindset nila yon makakapagpasikat sila ng kahit na sino. Dun sila nahihirapan talaga. Years na nilang problema yan pero hanggang ngayon wala parin silang solusyon. Kaya tignan mo yung mga audience din di din marunong kumilatis ng magaling umarte sa hindi magaling umarte.
Enrique can act so good, pag solo nya lamon na lamon sya. Pag nasa LT projects naman, para syang naghahabol sa sahod. And yes dapat tanggalin na kahit saang management yung loveteam formula na yan, wala na din silbi ngayon yan eh.
yung mga nasa twitter talaga problema, push ng push sa idols nila pero di talaga pang acting. Tho i love Joseph Marco, Paulo Avelino and Piolo Pascual's acting. Hindi nila ako mapapanood ng mga shows na yan kasi may mga banong nasama.
lahat “Iconic 💅🏻”
yung mga baby bra warriors ni KB, FD at AB ganyan.
Nahihirapan din akong ma-hook sa acting niya sa Pamilya Sagrado. Di pa siya ganon ka-likable for me. Para siyang si Samuel ng Elite, pabida na bida, yung character ha. Okay pa kahit papano kay Grae. Kita sa expressions niya ang expressions ng tatay niya. They can improve pa naman for sure.
Ang panget kasi sa ginagawa nila binibigyan nila ng mabigat narole yan si Kyle, ginawang golden boy pansin ko lang na sya may magagandang projects. Di nya deserve yung projects nga lang.
Pinapanood ko lang yung Pamilya Sagrado, Batang Quiapo at Senior High/High Street para sa mga new gen actors na future best actors and actresses at sa mga veteran actors, yung mga naging bida lang dahil sa fanbase lang inii-skip ko panoorin.
Hindi maganda acting skills lahat ng nasa Senior High/High Street. May mga illan dun na bida yung magaling at feeling magaling umarte pero wala talagang maibubuga. May Anji levels ba and please, stop giving AB mature roles at this point. Magaling sya, oo pero kailangan nya muna iwasan madala sa mga eksena yung "pabebe" tone nya? Same lang kay Francine, masyado pa sila bine-baby ng management sa roles at kung papaano i-deliver kaya nasasabihan ng iba sa socmed na parang di bagay yung roles nila kasi stuck pa rin sa "teenybop roles" yung dalawa, wherein fact dapat matinding workshops muna?
Sa mga galing PBB or any talent search ng ABS, wag niyo i-push yung mga singers niyo maging actors kasi naiinis lang din yung ibang tao. Tignan niyo yung response ng iba sa socmed tungkol sa pagpasok niyo ng mga galing PBB sa mga drama pero bano pa umarte, nakakahiya naman sa bida at veteran actors ng show na may ibu-buga.
HAHHAHAHA tama ka dyan.
- Nahype kasi ng mga fans kaya laging sila may role.
- Ang entertainment industry ng ph gusto lang talaga gumawa ng pera hindi gumawa ng art
- Di ko din talaga maintindihan bakit maraming singers ang nagiging actors. Tapos mga artista na nagiging singers.
super agree 1 and 3! I mean, may mga singers na from ABS na nag-MMK at gumawa ng teleserye pero may ibu-buga talaga. But look at them now, especially Darren, Kyle, Anji and her loveteam, rumored bf ni Alexa Ilacad na from PBB and others? Mga bano at kulang sa workshop, ni hindi man lang makabuo ng sentence na tagalog sa show kahit sila pa yung main or support role kasi kinalampag ng fanbase. Ito namang mga fanbase nila puro comment na magaling eme eme pero in general public ligwak naman talaga yung acting.
Mas okay pa sila Jayda, Juan Karlos, Angela Ken and other singers na nag-acting. May ibu-buga talaga.
DAWGGGG Darren, anji, alexa and the other dude - 👎
Buhat lang talaga ng fans.
Isa pa si anji at si alexa parating may projects dahil sa fans. Pero oag tinignan mo sa perspective ng art kulang talaga acting nila.
what about belle? puro bare minimum binibigay, mismong kanta niya hindi mabigyan ng justice sa live kaloka tapos may concert at album pa? management gets blinded by money from the fans
Belle can improve her singing vocals and venture, pine-pressure kasi ng fans at management na galingan agad eh.
ofcourse everyone can improve. yun lang, tingin kasi ng fans sobrang galing na ng idol nila but the truth pini perahan lang sila. (saakin ok lang naman kung piniperahan pero sana wag naman bigyan ng artist na bare minimum/subpar performances yung fans). kasi pinag hirapan din nila yung pera para supportahan yung artist
kung versatility and hype ng fans, ang pag uusapan natin sa tatlo, i think alexa deserves it the most. That girl can act and sing.
Malakas kasi hatak ng mga fanbase nila talaga, ang weird lang. Hinahayaan lumipat sa GMA and Viva yung mga deserving mabigyan ng break pero bigay ng bigay si Dyogi ng lead role sa mga bano at problematic singer-actors nila?
Kayang-kaya nila Francine Diaz, Janella Salvador, Nadine Lustre, Kathryn Bernardo, Julia Montes, Andrea Brillantes, Xyriel Manabat, Miles Ocampo, Kaila Estrada at Jane Oineza magkaroon ng bigger break from their previous roles kung walang love interest at labas sa mga nakasanayan nilang romantic side yung madadala nila. Bigyan niyo yan ng mga magagandang materials or stories at execution. Kakagatin talaga ng mga tao yan.
I feel the same about Joshua Garcia and Marian Rivera. Si Marian magaling lang umiyak.
I don’t get the hype kay Joshua Garcia honestly. And stop saying he’s like JLC ang layo eh.
JLC IS JLC, JG is just the dupe version na pinapasikat nila kasi wala na si JLC sa bakod nila.
Shein version ni JLC
true! JLC is the Rolls-Royce pero si JG yung trying hard.
Marami na ngang umay kay Joshua kasi sunod-sunod TV projects niya. Dapat nagpahinga muna siya kasi may umay factor na.
Nagsimula pagka-umay ko kay Joshua nung sya na naman sa Darna, wala nang Darna vs. Valentina na naganap sa buong story kasi nag-revolve lang sa storyline ni Joshua. Underutilized din yung ibang story sa Darna lalo na kay Ding na nagkaroon ng powers sa early eps tas biglang lampa na?
He's actually good with a good material. Maybe the bar is low for me, or maybe you're used to what ABS CBN is giving you, which for me isn't really a lot of good stuff.
nagagalingan ako kay Gillian Vicencio, she really became Angel Locsin's character in Four Sisters Before the Wedding
idk why di siya pinupush ng management shes pretty good and super ganda pa niya
Ito pansin ko lang ah. Mas sumisikat ang isang artista dahil sa itsura nila at hindi dahil sa talent. Although, marami ang nakakakilala sa talent pero mas marami ang bumabase lang sa itsura.
Dito ko na lang ico-comment kasi na-bash ako sa Twitter and FB.
Yung comeback movie ng JoshLia is just a loose remake ng The Hows of Us, kunwari galit sa umpisa hanggang gitna pero babalikan sa ending or open ending kineme pero sasabihin ng direktor na naging sila pa rin.
May movie sila uli?
Enrique Gil is not a good actor. I watched his latest movie, which was fun, but his acting was cringeworthy.
Not familiar with his works pero yung works with liza di ko talaga trip si enrigue hahaaha
We're too fixated with the idea that "heavy drama" = acting. Wala yung mga nuances, body actions etc.
If I have to choose sa mga local actors na I think magaling talaga, I have Joshua Garcia and Julia Barretto, but the fandom thing just puts them in a jar.
oh yesss...the "restraint" part of acting. very rare makita sa mga new gen.
d rin maayos yung screenplay eh
Same sila ng mata ni Tom Rodriguez, parehong may something na nakakairita kahit wala naman siyang ginagawang masama sa'yo! Hahaha
Mga hindi nag enroll sa mata mata school of acting haha jk
Chrue. Abs cbn knows who are those actors na ipapahyoe nila and bigyan nila ng magagandang role kesyo " marketable" .. but to be honest people are the once who decide kung sino tlga ang magaling.. nilalamon sila nila zaijan, miggy and cyril . Knowing they are just given a secondary role.. another thing feeling justin beiber pa sya sa Asap. Nakakacringe tingnan .🤣😂
Does not belong in the subreddit.